Kung hindi ako nanunuod ng Oblation Run, taon-taon naman akong nanunuod ng Lantern Parade. Higit na kaabang-abang ito para sa akin dahil iba-iba ang nakikita ko kada taon. Masusurpresa ka sa kung paanong paghahanda at presentasyon ang iginugol ng bawat kolehiyo sa kanilang mga lanterns. Bukod dito, maganda rin itong "reward" at pangtanggal ng stress na idinulot ng buong taon. Ang Lantern Parade ang opisyal na hudyat na tapos na nga ang taon.
Naranasan ko na rin sumali sa parada bilang requirement sa aking CWTS. Noon ay may sari-sariling lanterns pa ang CS, CSSP at CAL ngunit sa taong ito ay nagtulong-tulong ang tatlong kolehiyong ito upang gumawa ng isang magandang lantern.
Ang tema sa taong ito ay "
Maalab na Serbisyo Publiko ng Mapagkalingang Kampus". Halos lahat ay naging tema ng lantern ang nakaraang bagyong Yolanda. Ito ay bilang pakikisimpatya sa mga naging biktima ng nagdaang bagyo. Sa halip na magdaos ng fireworks display ay ibinigay na lamang bilang donasyon ang perang gagamitin para dito. May nabalitaan pa nga akong hindi na daw matutuloy ang Lantern Parade bilang tanda ng pakikiramay sa mga biktima ng Yolanda.
Ang mga lantern sa taong ito ay gawa sa mga recycled materials at simbolismo ng mga relief goods items tulad ng bote ng tubig at instant noodles. Masasabing mas simple ang mga Lantern sa taong ito, dahil na rin sa limitadong uri ng mga palamuting ginamit subalit dito masusukat ang galing at pagkamalikhain ng mga kalahok.
Isa ang College of Fine Arts sa mga inaabangan tuwing Lantern Parade. Ilan taon din daw na halos sila na lang lagi ang nananalo bilang may pinakamahusay na Lantern kung kaya noong mga sumunod na taon ay hindi na sila isinali sa mga kalahok sa may pinakamagandang Lantern. Sa taong ito, naging tema ng CFA ang iba't-ibang kultura ng mga indigenous groups sa ating bansa. Kabilang dito ang kulturang Igorot, T'boli at Manobo.
|
Bulul (rice god) ng Ifugao |
|
pagtatahi ng mga T'boli |
|
puno ng liwanag/paghilom ng mga Manobo |
Ang Lantern Parade ay hindi lamang isang paligsahan sa pagitan ng mga kolehiyo at ng kanilang lantern. Ito rin ay isang pagkakataon para sa mga taga-UP, mapa-kawani man o estudyante upang magbuklod-buklod at sama-samang harapin ang mga unos na pinagdaraanan ng bansa.
No comments:
Post a Comment